Tuesday, 16 October 2018

Kaugaliang Pilipino - angelie mandagio

Ang sistema ng kaugaliang Pilipino ay tumutukoy sa mga kaugalian na ipinapahalaga ng karamihan ng mga Pilipino. Itong sistema ng kaugaliang Pilipino ay may katangi-tanging katipunan ng mga ideolohiya, moralidad, kabutihang asal, wastong kagawian, at kahalagahang personal at kultural na itinatakda ng lipunan. Katulad ng lahat ng lipunan, ang mga pinapahalagahan ng isang indibidwal ay naaapektuhan ng mga salik katulad ng relihiyon, antas ng kabuhayan, at iba pa.
Sa pangkalahatan, nakaugat ang sistema ng kaugaliang Pilipino sa relasyon at pakikipagkapwa, lalung-lalo na ang pakikipagkapwa sa pamilya, mga obligasyon, pakakaibigan, relihiyon (lalo na ang Kristiyanismo), at pangkalakal.

ang kultura ng pilipinas - Kiary Dane Dungan

Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang gawain na ipinamana ng kani-kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay tinaguriang mayaman sa iba’t ibang larangan sa kultura at isa sa mga bansang kinikilala ang kulturang nagmula sa ating mga ninuno . Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya ito’y ating ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Ito ay nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupo ng mga tao. Dito rin naipapakita ang pagkakaiba-iba ng bawat pangkat. May kani-kanila silang orihinal na talento sa iba’t ibang larangan.


Madalas na Kaugalian

Pagmamano – ito’y madalas ginagawa ng mga nakababata sa kanilang mga magulang o sa mga nakatatanda sa kanila.
Paggamit ng “po at opo” sa nakatatanda – ito’y simbolo ng pagrespeto sa mga nakatatanda.
Mahilig makipagkapwa-tao -kapag madalas silang may nakakasalamuhang tao.
Mapagkumbaba – nananatili pa rin ang kanilang mga paa na nakaapak sa lupa.

Madalas na Paniniwala

Sa Kusina:

Bawal kumanta sa harap ng kalan - may masamang mangyayari.
Bawal kumanta sa hapag-kainan – simbolo ng hindi pagrespeto.
Bawal paglaruan ang apoy – maaaring lumabo ang mata.
Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon – ito ay simbolo ng kamalasan.

Sa Kasal:

Bawal isukat ang damit pangkasal – Maaaring hindi matuloy ang kasal
Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal – maaaring mamatay ang isa sa kanila.
Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan – upang hindi siya maliitin.
Kapag umulan sa araw ng kasal – simbolo ng kaswertehan.



Kapag may sumakabilang-buhay

Bawal matulog sa tabi ng kabaong – maaaring hindi mo mapipigilan ang paggalaw ng ulo mo.
Bawal magkamot ng ulo – maaaring magkaroon ng kuto.
Pagsuutin ng pulang damit ang mga bata/ Pagtawid ng mga bata sa kabaong
 – upang hindi sila guluhin ng namayapa.
Dapat putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa – upang hindi na siya masundan.
Bawal magwalis sa araw ng burol – bilang respeto
Bawal matuluan ng luha ang kabaong – upang hindi siya mahirapan sa pag-akyat sa langit.

Iba pang pamahiin:

Bawal maggupit ng kuko sa gabi – upang hindi malasin .
“Friday the 13th” – mag-ingat sa araw na iyon sapagkat may maaaring mangyari sa iyong masama.
Paggsing ng alas tres ng madaling araw – maaaring may dumalaw sa inyo. Paggising ng mga ispiritu.
Kapag may nakita kang taong pugot ang ulo – maaari siyang mamatay (pwede itong mapigilan basta ibaon lang ang kanyang damit sa lupa) Sours (http://ang-kulturang-pilipino.blogspot.com/)

Ang kahalagahan ng wikang filipino - Miseo Angelo Bustillo

Hindi natin maitatatwa na ang isang wikang pansarili, isang wikang taal at di-dayuhan, ay mahalaga sa pagkakaroon ng self-identity o kakanyahan. Ang simbolo ng isang bandila, isang marcha nacional, isang pambansang awit, isang pambansang bulaklak, isang pambansang kasuotan ay makabuluhang lahat bilang mga tanda ng kakanyahan at pagsasarili. Ngunit ito ay mga tanda lamang — isang simbolo. Nangangailangan ng kahulugan sa mga gumagamit ng mga simbolo. At mas mahalaga ang kahulugan kaysa sa simbolo. Ang simbolo ay simbolo lamang — walang kabuluhan kung wala roon ang damdamin ng mga gumagamit ng simbolo. At ang mga palatandaan ay maaaring palitan, gawing makabago kung kailangan. Sa papel na ito, inihambing ang kaso ng Indonesya at ng Singapore, ating mga kapit-bansa sa Timog-Silangang Asya sa kaso ng Pilipinas, sapagkat ang dalawang bansang ito ay nagbibigay sa atin ng isang kakaibang larawan upang muling suriin ang wika bilang mahalagang bahagi ng pagbubuo ng ating kakanyahan. sours: (https://ejournals.ph/article.php?id=7949)

Sunday, 16 September 2018

Ang magagawa Kong Kabutihan Para Sa Ating Kalikasan by Rhea Jane betonio

Ang Kalikasan ang nagbibigay kulay sa ating kapaligiran na sadyang ipinagkaloob nang ating  Panginoon.Dapat natin itong ingatan at aalagaan .Mahalagang  bagay na dapat nating palaguin at huwag abusuhin para sa kapakanan ng sumusunod na henerasyon.
                        Para sa akin ang dapat kong gawin ay tutulong ako kahit sariling sikap lamang para mapangalagaan ko ang kalikasan tulad ng pagtatanim ng puno sa bukirin at lugar na walang puno na itinanim dahil sa pagtotroso at pagkakaingin.Bakit kaya nila ito ginawa at seguro alam naman nila ang magiging epekto kapag wala ng mga puno?Ang gagawin ko para masugpo ang mga masasamang gawain na ito ay isusumbong ko sa  awtoridad ang maling ginagawa ng tao.Dapat tayong magtulungan upang maibalik ang dating sagana sa kalikasan nang may magagamit pa ang ating mga anak,mga apo sa susunod na henerasyon.
                        Ipaparating ko po sa mga tao na sa halip na ating sirain ang kalikasan ay tutulong tayo sa paglilinis ,pagbabawas ng basura,pagtittipsa koryente at tubig,ayusin ang mga sirang sasakyan o di kaya'y maglalakad kung malapit lang at pag-iwas sa mga gawain  na makakadagdag ng butas sa ozone layer.

Ang kahalagahan ng edukasyon by Rubelyn Manapos

          Ano nga ba ang edukasyon? Gaano ba kahalaga ang edukasyon sa buhay ng tao.

Ang edukasyon ang pinaka mahalagang pamana ng isang magulang sa kaniyang anak na hindi mananakaw nang sinuman.Gaya nng isang susi,ito ang magbubukas ng pinto tungo sa napakaraming pangarap ng bawat kabataan.Subalit ano nga ba ang kahalagahan nito?
Magmula pa noon hanggang sa kasalukuyan,sadyang napakahalaga ng edukasyon lalong lalo na sa buhay ng isang kabataan.Sapagkat ito ang naghahatid ng mga kapaki-pakinabang na kaalaman na makakatulong sa kanilang pang araw -araw na pamumuhay.Ito din ang siyang nagtuturo ng mga gintong aral sa bawat isa na siya tulay upang magkaroon ng mabuting asal at pag-uugali.Gayundin ang edukasyon din ang siyang magsisilbing sandigan ng bawat kabataan upang magkapaghanap ng magandang trabaho.Dahil sa panahon ngayon mas angat ang may pinag-aralan lalong lalo na sa mga establishimento.Higit sa lahat,sadyang napakahalaga ng edukasyon sapagkat ito ang siyang instrumento upang mabigyan ng katuparan ang mga pangarap ng napakaraming kabataan.Ito ang siyang magdadala sa bawat isa tungo sa isang maliwanag at maunlad na pamumuhay sa hinaharap.
Sa ating modernong panahon,sadyang napakaimportante ng edukasyon sa ating buhay.kaya naman marapat lang na bigyan natin ito ng halaga at huwag ipasawalang bahala .Imulat natin ang ating kaisipan sa mabubuting hatid nito dahil ito ang magbibigay ng katuparan sa ating mga mithiin.