Sunday, 16 September 2018
Ang magagawa Kong Kabutihan Para Sa Ating Kalikasan by Rhea Jane betonio
Ang Kalikasan ang nagbibigay kulay sa ating kapaligiran na sadyang ipinagkaloob nang ating Panginoon.Dapat natin itong ingatan at aalagaan .Mahalagang bagay na dapat nating palaguin at huwag abusuhin para sa kapakanan ng sumusunod na henerasyon.
Para sa akin ang dapat kong gawin ay tutulong ako kahit sariling sikap lamang para mapangalagaan ko ang kalikasan tulad ng pagtatanim ng puno sa bukirin at lugar na walang puno na itinanim dahil sa pagtotroso at pagkakaingin.Bakit kaya nila ito ginawa at seguro alam naman nila ang magiging epekto kapag wala ng mga puno?Ang gagawin ko para masugpo ang mga masasamang gawain na ito ay isusumbong ko sa awtoridad ang maling ginagawa ng tao.Dapat tayong magtulungan upang maibalik ang dating sagana sa kalikasan nang may magagamit pa ang ating mga anak,mga apo sa susunod na henerasyon.
Ipaparating ko po sa mga tao na sa halip na ating sirain ang kalikasan ay tutulong tayo sa paglilinis ,pagbabawas ng basura,pagtittipsa koryente at tubig,ayusin ang mga sirang sasakyan o di kaya'y maglalakad kung malapit lang at pag-iwas sa mga gawain na makakadagdag ng butas sa ozone layer.

Ang kahalagahan ng edukasyon by Rubelyn Manapos
Ano nga ba ang edukasyon? Gaano ba kahalaga ang edukasyon sa buhay ng tao.
Ang edukasyon ang pinaka mahalagang pamana ng isang magulang sa kaniyang anak na hindi mananakaw nang sinuman.Gaya nng isang susi,ito ang magbubukas ng pinto tungo sa napakaraming pangarap ng bawat kabataan.Subalit ano nga ba ang kahalagahan nito?

Magmula pa noon hanggang sa kasalukuyan,sadyang napakahalaga ng edukasyon lalong lalo na sa buhay ng isang kabataan.Sapagkat ito ang naghahatid ng mga kapaki-pakinabang na kaalaman na makakatulong sa kanilang pang araw -araw na pamumuhay.Ito din ang siyang nagtuturo ng mga gintong aral sa bawat isa na siya tulay upang magkaroon ng mabuting asal at pag-uugali.Gayundin ang edukasyon din ang siyang magsisilbing sandigan ng bawat kabataan upang magkapaghanap ng magandang trabaho.Dahil sa panahon ngayon mas angat ang may pinag-aralan lalong lalo na sa mga establishimento.Higit sa lahat,sadyang napakahalaga ng edukasyon sapagkat ito ang siyang instrumento upang mabigyan ng katuparan ang mga pangarap ng napakaraming kabataan.Ito ang siyang magdadala sa bawat isa tungo sa isang maliwanag at maunlad na pamumuhay sa hinaharap.
Sa ating modernong panahon,sadyang napakaimportante ng edukasyon sa ating buhay.kaya naman marapat lang na bigyan natin ito ng halaga at huwag ipasawalang bahala .Imulat natin ang ating kaisipan sa mabubuting hatid nito dahil ito ang magbibigay ng katuparan sa ating mga mithiin.
Ang kasaysayan ng pilipinas by Ephraim Olita
Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinasnang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 67,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samarnoong 16 Marso 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebukasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi Noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-Hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang syudad sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonyalisasyon ng Espanya na nagtagal ng tatlong siglo.
Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Ngunit ang Kasunduan sa Paris, na naganap sa katapusan ng Digmaang Espanyol-Amerikano, ay naglipat ng pamamahala sa Pilipinas sa Estados Unidos. Nagsimula ang kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas noong Disyembre ng 1899, kasama ang limitadong lokal na pamamahala noong 1905. Ang parsiyal na pagsasarili ay iginawad noong 1935, bilang paghahanda sa isang ganap ng kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1945. Ngunit ang 10-taong transisyon mula sa komonwelt patungo sa isang soberanyang bansa ay naantala dahil sa pagsakop ng Haponsa Pilipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. At pagkatapos ng pagkatalo ng mga Hapones noong 1945. At ang huling pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas mula 1944 hanggang 1945. Kaya ang ganap na kalayaan ay iginawad lamang sa Pilipinas noong Hulyo 1946.
Friday, 14 September 2018
Ang Phillipine Eagle [Ethane Etable]
Ang haribon (Pithecophaga jefferyi) ay isang malaking agila na makikita sa mga gubat ng Luzon, Samar, Leyte at Rehiyon XII o SOCCSKSARGEN. Ito ay ang pambansang ibon ng Pilipinas. Ang haribon ay simbolo ng katapangan ng mga ninuno ng Pilipino. Sila ay may haba o taas na 1 metro at tumitimbang ng mula 4 hanggang 7 kilo. Tulad ng ibang agila higit na mas malaki ang babaeng haribon kaysa lalaki. Ang haba ng kanilang pakpak ay 2 metro o higit pa. Sila ay kumakain ng mga unggoy, malalaking ahas, kaguang, malalaking ibon gaya ng kalaw at mga bayawak monitor lizard.
Dapat ba natin pahalagahan ang Wikang Filipino? by Joshua Lacaba
Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakainindihan ang lahat ng tao. Iba't-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino.
Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang sariling wika? Ito ba ang sinasabing mahalaga at mahal raw ng mga mamamayan ang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya, at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya ang sariling wika. Kung mahalaga talaga sa mga Pilipino ang Wikang Pambansa ay gagamitin ito kahit kailan at saan man magpunta.
Maraming iba't-ibang wika dahil sa archepilago ng hugis ng bansa Pilipino o tinatawag ding varayti ng wika. Sabi ng marami na ang Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino dahil ang Wikang Ingles ang pangunahing linggwahe na mas ginagamit ng karamihan kahit saan man magpunta sa buong mundo.
Pero para sa mga Pilipino at sa mga taong mas nakakaintindi sa kahalagahan ng ating Wikang Filipino, ito ang sumisimbolo sa katauhan bilang isang Pilipino, makakaya ring mapaunlad ang sariling bansa kahit ang sariling wika lamang ang ating gamitin. Sabi pa nga ng bayaning Pilipino na si Dr. Jose Rizal "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda." Kaya pahalagahan ito at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa.
Ang Buwan ng Wika [Johnson Villamor]
"BUWAN NG WIKA"
Ang Buwan ng Wika
MANILA, Pilipinas – Ginugunita ng Pilipinas ang Buwan ng Wika tuwing Agosto. Puno ng iba't ibang aktibidad ang buwan bilang pagsaludo sa wikang Filipino at sa pagmamahal sa bansa.
Kaakibat ng pagdiriwang na ito ang pagbalik-tanaw sa kasaysayan ng pambansang wika at ang mga hakbang upang itaguyod at paunlarin ito.
Pagbuo ng pambansang wika
Ang pagbuo ng isang pambansang wika upang mapagkaisa ang buong bansa ay mithiing nagsimula noong 1935, sa panahon ni Pangulong Manuel L. Quezon.
Sa Konstitusyon noong taong iyon, iniatas sa Kongreso ang "magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika."
Napili ang Tagalog bilang batayan. Kalaunan, naiproklama ang wikang pambansang Pilipino sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Bilang 570, na nagkabisa noong 1946. Noong 1959 lamang ito opisyal na tinawag na Pilipino.
Upang maisaalang-alang ang iba pang mga katutubong wika, ang wikang pambansa ay pinaunlad muli simula noong 1973, at ito ay makikilala bilang wikang Filipino.
Opisyal na idineklara ang Filipino at Ingles bilang mga wikang pambansa sa Saligang Batas ng 1987.
Kasaysayan ng pagdiriwang
Si Pangulong Sergio Osmeña ang unang nagdeklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Mula 1946 hanggang 1954, ito ay ginugunita mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril, alinsunod sa Proklamasyon Bilang 35. Pinili ang Abril 2 dahil ito ang kaarawan ng kilalang Tagalog na manunulat na si Francisco Balagtas.
Ito ay iniusog sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril ni Pangulong Ramon Magsaysay noong 1954. Sa sumunod na taon, noong 1955, inilipat ni Pangulong Magsaysay ang selebrasyon sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto, sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 186.
Bakit Agosto? Ayon kay Pangulong Magsaysay, ang orihinal na Linggo ng Wika ay nagaganap tuwing bakasyon ng mga estudyante, kaya hindi naisasama ang mga paaralan sa pagdiriwang nito. Samantala, ang huling araw naman ay gugunitain sa kaarawan ni Pangulong Quezon, ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa.
Noong 1988, pinirmahan ni Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Bilang 19, na nagpatibay ng selebrasyon ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19.
Makalipas ang halos isang dekada, noong 1997, sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1041, idineklara ni Pangulong Fidel Ramos na ang selebrasyon ng Wikang Filipino ay magaganap na sa buong buwan ng Agosto. (BASAHIN: Buwan ng Wika or Linggo ng Wika: What do we celebrate?)
Paggunita sa Buwan ng Wika
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang punong abala sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Ngayong 2017, pinili ng KWF na tema ng Buwan ng Wika ang Filipino bilang "wikang mapagbago."
"Bilang wikang pambansa ng Filipinas, ang pagbabagong ito ay nakasandig sa tatlong halagahan na pinagsisikapan ng KWF na maipalaganap sa buong Filipinas: ang Filipino bilang wika ng kaisahan, kaunlaran, at karunungan," sabi ng KWF sa isang pahayag.
Ang tatlong halagahang ito ay naging tema rin ng KWF noong mga nakaraang taon: Wika ng Pagkakaisa noong 2014, Wika ng Pambansang Kaunlaran noong 2015, at Wika ng Karunungan noong 2016. – Rappler.com
Ang BUS [Jake Mahinay]
"BUS"
Alam nyo ba na ang BUS ay galing sa salitang LATIN na OMNIBUS? Na ang ibigsabihin ay "Para sa lahat". Ang pinaka unang BUS na inimbento ni BLAISE PASCAL noong 1662 ay hinihila ng kabayo ng walang motor. Si BLAISE PASCAL ay isang French mathematician, physicist, inventor, writer at Catholic theologian. Isa din siyang child prodigy who was educated by his father, a tax collector sa Rouen.
Monday, 10 September 2018
Ang Pag-uugali ng Tao [Charlie Cuya-Sanchez]
Sa aking pagiging Seventh-day Adventist may mga iba't-ibang bagay akong natutunan gaya ng mga pag-uugali ng mga tao. Natutunan ko ito noong ako'y nasa ika-sampung baitang. Nais kong ibahagi sa inyo ang apat na uri nito nang sa ganon ay makilala niyo rin kung sino talaga kayo at saan kayo nabibilang.
Ang tao ay ginawa ng Diyos na may kaibahan sa isa't- isa. Kaya nga, sa ating araw-araw na pamumuhay at pakikisalamuha sa ibang tao hindi maiiwasan ang mairita o kaya'y maging masaya.
Narito ang iba't ibang mga pag-uugali ng tao o sa ingles ay tinatawag na "temperaments".

1. Sanguine-laging malakas ang interaksiyong sosyal. Masigla sila at buhay party ang mga ito. Ayaw nilang pumangit ang araw kaya puro sila tawanan. Kung wala sila, hindi mabubuo ang araw ng grupo. Ngunit sila ay makakalimutin,magastos, madalas late,hindi nahihiya at napakaingay.
Puro sila tawa,pero sa oras ng emosyon nila,hindi sila nagpapakita.
Baka,dito ka?
2.Choleric- may mabuting paraan ng pag-aambisyon,may leadership,may pokus sa layunin at praktikal. Mahuhusay silang magplano kaya hindi mahirap sa kanila ang matimatika. May lakas ng loob na humarap sa publiko.
Ngunit sila ay palautos sa kaniyang nasasakupan,madaling mawalan ng pag-asa.
O baka ikaw to ha?
3. Phlegmatic- mga taong mababait at palakaibigan. Malimit nilang gusto ng payapa.
Ngunit hindi sila magaling sa pagpaplano,takot silang may pagbabago at kadalasan may katamaran at nakakawala ng pag-asa.
Siguro nabilang ka dito.
4.Melancholic-tinaguriang palaisip kaya meron silang magagandang planong nagagawa. Magaling sila sa sining at mga imbensiyon. Magaling din silang umiwas sa mga problema kaya, kaya nilang mapag-isa, ngunit minamaliit nila ang sarili. Kadalasan negatibo sila at madaling mawalan ng pag-asa.
lto hindi ba?
'Yan ang iba't-ibang uri ng pag-uugali ng tao. Subukan mong hanapin kung nasaan ka at malampasan mo ang iyong mga kahinaan.
Salamat!

Subscribe to:
Posts (Atom)