Friday, 14 September 2018

Dapat ba natin pahalagahan ang Wikang Filipino? by Joshua Lacaba


Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika  nagkakainindihan ang lahat ng tao. Iba't-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino.

Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang sariling wika? Ito ba ang sinasabing mahalaga at mahal raw ng mga mamamayan ang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya, at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya ang sariling wika. Kung mahalaga talaga sa mga Pilipino ang Wikang Pambansa ay gagamitin ito kahit kailan at saan man magpunta.

Maraming iba't-ibang wika dahil sa archepilago ng hugis ng bansa Pilipino o tinatawag ding varayti ng wika. Sabi ng marami na ang Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino dahil ang Wikang Ingles ang pangunahing linggwahe na mas ginagamit ng karamihan kahit saan man magpunta sa buong mundo.

Pero para sa mga Pilipino at sa mga taong mas nakakaintindi sa kahalagahan ng ating Wikang Filipino, ito ang sumisimbolo sa katauhan bilang isang Pilipino, makakaya ring mapaunlad ang sariling bansa kahit ang sariling wika lamang ang ating gamitin. Sabi pa nga ng bayaning Pilipino na si Dr. Jose Rizal "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda." Kaya pahalagahan ito at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa.

No comments:

Post a Comment